
Pangunahing Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas
Dahil sa kagipitan ng mga pilipino, dinadaan nila sa pag-iibang bansa kung saan mataas ang sahod upang makaraos sa kahirapan ng kani kaniyang pamilya kapalit ng kanilang pag kakawalay sa kanilang pamilya. Ito ay naging isa sa mga nag dudulot ng matinding kahirapan sa pilipinas. Mas pinipili ng mga pilipino ang mag ibang bansa kesa na mag trabaho sa sarili nilang bansa at ito ay nakadudulot ng matinding hirap sa ating ekonomiya dahil sa kakulangan ng mga tauhan. Narito ang matitinding sanhi ng kahirapan sa Pilipinas:
Korapsyon: Ang korapsyon ang isa sa pinaka sanhi ng kahirapan sa pilipinas. Ito ay ang pag nanakaw ng mga opisyal ng bansa sa pondo ng bayan. Ang pera na gagamitin sana upang mapaunlad ang Pilipinas ay napapapunta sa bulsa ng mga opisyal na ginagamit nila para sa kanilang sariling kapakanan.
Pyudalismo: Ang pag aangkin ng mga lupain ng mag sasaka. Ito ay nag dudulot ng matinding kahirapan sa mga pilipino dahil ito ang kinukuhaan nila ng pera sa paraan ng pag bebenta ng kanilang produkto na nangagaling sa kanilang mga ani. Dahil sa pag kuha ng kanilang lupa, nawawalan ng hanap buhay ang mga mag sasaka at gayun na din sa mga namimili dahil maaapektuhan ang mga presyo ng mga paninda dahil sa kakulangan ng produkto.
Epekto ng Kahirapan sa Kalusugan:
Epekto ng Kahirapan sa Edukasyon:

Ang edukasyon ay isang importanteng bahagi ng atin buhay dahil hindi lang ito nag bibigay satin ng kaalaman, ito rin ang nag bibigay satin ng kabuhayan. Ang limitasyon ng pedeng makuha ng isang tao ay nababase sa kanilang estado sa buhay. Kung sila ay mayayaman, may kakayahan sila upang umabot ng kolehiyo ngunit kung sila naman ay mahirap, hindi magiging madali sakanila ang pag babayad ng mga kailangan sa pag aaral. Nag bibigay ang gobyerno ng libreng edukasyon para sa mahihirap tulad ng mga scholarship pero hindi lahat ay nabibigyan nito. Dahil sa kakulangan ng edukasyon, nahihirapan silang kumuha ng trabaho dahil isa ito sa mga requirements para sa pag tatrabaho.
Bilang pilipino na naninirahan sa pilipinas, hindi lang ang gobyerno ang dapat nating sisihin. Dapat tayong kumilos upang makamit ang magandang buhay na ating inaasam. Hindi porket sila ang namumuno sila na dapat ang sisihin. Bilang kabilang sa lipunan, tayo ang nagbibigay ng kapangyarihan sa kanila dahil tayo ang nag lalagay sa kanila sa posisyon at hindi lang yon, dapat din tayong maging matalino upang hindi maloko sa mga sinasabing kabalbalan ng mga tao tulad ng mga pangako ng tumatakbo sa posisyon.
At dapat din nating tandaan na kailangan nating pag trabahuhan lahat ng bagay. Masasabi nating dapat mataasan ang sahod ng mga trabaho at nag wewelga tayo para makuha yon pero wala ka namang trabaho. Imbis na tayo ay mag aksaya ng oras sa pag rereklamo, dapat tayong mag sikap para makaraos patungo sa magandang buhay